^

Para Malibang

Prostate Cancer

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Ang prostate cancer ay ang paglaki ng abnormal cells sa bandang bahagi ng prostate gland, na nakikita sa reproductive system sa pagitan ng pantog at ari ng lalaki. Halos kasing laki lamang ito ng walnut.

Ang prostate ang responsible at tumutulong sa paglabas ng likido na nagpapalusog sa semilya. Ito ang nagtutulak para mailabas ang semilya sa panahon ng pakikipag-sex. Walang partikular na dahilan ang kanser sa prostate.

Pero ayon sa mga doktor, mataas ang tsansang magkaroon ng sakit sa prostate kapag ang lalaki ay nagkakaedad, na ang iba ay nagsisimula sa edad na 65 years old. Malaking factor kung may history sa pamilya ng kanser sa prostate.  Kapag mahilig kumain ng red meat, karne, matataba, kaysa sa mga gulay o prutas. Kulang ang sex life dahil hindi napapraktis si manoy.

Ang mga sintomas ng prostate ay kapag nahihirapang umihi, patigil-tigil ang daloy ng ihi. Mahina ang paglabas ng ihi. Laging naiihi sa gabi. May lumalabas na dugo o isperma sa ihi. Nahihirapang tumayo si manoy o masakit kapag nakikipag-sex. Sumasakit ang bandang ibaba ng likod, balakang, bandang itaas ng hita, at iba pa.

Kapag may nararamdaman sa mga nabanggit ay magpatingin sa doktor. Mas maagang malaman, ay mas mabibigyan agad ng panglunas ng mga doktor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with