Sementeryong Theme Park
Ang Panaginip: Nakasakay ako sa bus pauwi sa probinsiya. May nadaanan kaming sementeryo raw iyon pero mukhang magandang theme park. Pumara ako para pumunta sa sementeryo. ---Leony
Ang Totoong Isyu sa aking buhay: Sobra po akong depressed ngayon. Minsan naiisip kong baka mas mabuti pang mamatay na ako at baka doon ko sa kabilang buhay matagpuan ang kaligayahan.
Ang Interpretasyon: Ang sementeryo ay nagmukhang theme park dahil naging positibo sa iyo ang kamatayan. May pakiramdam ka na matatagpuan mo ang kaligayahan sa kabilang buhay. Kung anuman ang iyong iniisip, mali pa rin ang magpakamatay.
- Latest