Tamang Edad sa Pagbibigay ng Allowance
Sa pagbibigay ng allowance sa anak, karamihan nagbibigay ang magulang sa edad na eight years old na mga bata, pero sinasabi ng mga experts na mali ito.
Nirerekomenda na sa murang edad na 5 years old o nagsisimula na ito sa kindergarten. Puwede rin kapag nag-uumpisa na itong matutong magbilang ng pera.
Sa ganitong paraan ay unti-unting natutunan ng anak ang pag-save o paggastos ng pera na nagiging bahagi sa paglaki ng bata.
Inaakala ng iba na bibigyan lang ng allowance ang anak kapag nasa Grade V o saka kung nasa high school na ang bata.
Mas maagang matutunan ng anak ang patungkol sa kahalagahan ng pera, pagtitipid, pag-budget, at pag-stick sa kanyang budget; tiyak na magiging bahagi ito ng buhay ng anak.
- Latest
- Trending