FYI
Kung nagsisilbing entertainment sa ibang tao ang panonood ng elephant show, ang totoo ito ay pang-aabuso sa nasabing hayop. Ang elepante ay isa sa pinakamatalino at wild na hayop na gustong gumala o mag-explore. Pero ang elephant na ginagamit sa entertainment ay nagdudulot ng malalim na psychological distress, disorders, at repetitive behaviour dahil sa nakakulong sa maliit na lugar at may kadena. Ang pakikipag-selfie kasama ang elepante ay inaakalang harmless na souvenir dahil nahahawakan ang nakakadenang hayop, pero ito ay itinuturing na pang-aabuso sa elephant. Kasama sa pag-training sa proseso ng “phajaan,” na ang elepante ay ginugutom at tinu-torture para raw mawala ang wild spirit sa hayop.
- Latest