^

Para Malibang

Panganib ng Third-hand Smoking

Pang-masa

Ang third-hand smoking na ibig sabihin ay ang naiiwang chemicals mula sa tobacco na dumidikit sa damit, pader, furniture, carpet, buhok, at lahat ng gamit o materials na kinakapitan ng amoy ng cigarette. Ang nicotine na sumisiksik sa balat, damit, kahit ang naninigarilyo ay nasa labas na ng building, opisina, kuwarto, o kotse. Pero ang toxic mula sa smoker ay kumalat sa kahit saang lugar. Ang toxic ng tobacco ay nanatili sa ibabaw ng mga object kahit ilang linggo o buwan na ang lumilipas. Ang amoy pa rin ng nicotine ay nalalanghap ng kahit sino. Hindi sapat na may ventilation o bintana ang isang kwarto para mawala ang epekto ng third-hand smoking. Bale ba, ang usok ng sigarilyo ay naglalaman ng mahigit 4000 chemicals na pinagmumulan ng 50 klase ng kanser. Walang time frame kung kailan mawawala ang toxic na dumikit sa fabric, dingding, o sa loob ng kotse. Ang pagkalat ng toxic ay hindi literal na nawawala sa maikling panahon.

Mapanganib ang third-hand smoking sa mga sanggol, bata, at matatanda na expose sa buga ng sigarilyo na napupunta sa kanilang mga damit at furniture. Ang mga babies pa naman ay gumagapang at naglalaro sa sahig, kama; na kumakapit sa pader. Nahahawakan o naisusubo ng bata ang dangerous particles ng  masamang chemicals  na pumapasok sa kanilang katawan. Sa pag-aaral, nagkakaroon ng cognitive deficiency ang bata. Ang mataas na exposure sa sigarilyo ay high risk din sa reading deficiency ang anak.

Walang safe level ang exposure sa usok ng sigarilyo. Ang pagtigil o pag-quit sa paninigarilyo ay hindi lang nakabubuti sa sarili, kundi nakatutulong din na maiwasan sa panganib ang pamilya at ibang tao sa paligid.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with