^

Para Malibang

Nobyo Napa-praning sa kawerduhan ng Nobya

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Gusto ko na sana makipaghiwalay sa nobya ko.  Sobrang weird ang GF ko na lagi gustong nasa tabi niya ako. Pero mas lalo akong napa-praning nang sabihin niyang buntis daw siya. Sa edad na 19 years old ay napakabata ko pa para maging tatay. Ayaw kong talikuran ang bata, pero hindi pa ako handa sa responsibilidad. Gusto niyang ikasal kami bago ipanganak ang baby namin. Ayaw ko pang mag-asawa, gusto ko pang makatapos ng pag-aaral. Natatakot akong magsabi sa magulang ko. Ano ba gagawin ko? – Bong

Dear Bong,

Wala kang choice kundi magsabi sa parents mo ng problema n’yo ng GF mo. Para magabayan ka ng magulang mo kung anong dapat gawin. Upang makausap din nila ang GF mo at magulang niya. Hindi naman kailangan ikasal dahil buntis lang ang GF mo. Maging tapat ka sa kanila na hindi ka pa handang mag-asawa. Pero hindi ibig sabihin ay tatalikuran  mo na ang bata. Makatutulong ang parents mo na tulungan ka sa magiging anak mo. Habang gusto mo pang tapusin ang pag-aaral mo. Sana’y magsilbing aral ito sa iyo.

Sumasainyo,

Vanezza

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with