Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Hindi Boto ang Mommy ng Crush sa Ka-chat

Dear Vanezza,

Ako po 17 years old, bawal pang manligaw. Pero may ka-chat  ako na classmate ko. Humingi ako ng permiso sa mommy niya na i-friend ko ang anak niya sa Facebook dahil hindi pa siya pwedeng ligawan. Ngayon masama ang loob ko dahil pina-block ang account ko ng mommy niya. Iyak ako nang iyak. Inaamin ko na lagi kaming magkausap, pero wala naman kaming ginagawang masama. Ano po ang gagawin ko? Jayjay

Dear Jayjay,

Tiyak na sumobra na ang oras ninyo sa pakikipag-chat at pakikipag-usap sa FB. Dahil kung hindi, hindi rin magagalit ang mommy ng crush mo para i-block ka. Bata ka pa, ibaling ang lungkot sa iyong pag-aaral. Patunayan mo sa mommy niya na deserving ka sa anak niya balang araw. Kapag nasa tamang panahon ay saka mo ligawan ang anak niya. Pero ngayon ay studies muna ang atupagin mo. Para balang araw ay maging boto si mommy para sa iyo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: