Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pangalawang anino (86)

HINDI makapaniwala sina Nanette na ang kaisa-isang inaasahan nilang makakatulong sa kanila ay wala na.

Pinatay ni Yawan.

“Pero bakit? Bakit hinayaan ng langit na mawala ang panig ng kabutihan?”

“Anak, huwag kang maghinanakit. Manalig pa rin tayo. Hindi tayo pababayaan ng Diyos. Hindi ito mangyayari kung walang ibang plano ang ating Panginoon. Hindi siya papayag na mananalo ang kasamaan.” Pinalalakas ni Sheila ang loob nila.

“Hindi ko na kayo dapat hiwalayan. Tiyak na mas mapanganib ngayon si Yawan. Palagay ko, kahit hindi niya ako napatay ... malaking puntos sa kanyang sinasambang panginoon ng dilim na ang kanyang napatay ay si Inang Maria.”

“Ano’ng ibig mong sabihin, Arturo? Na binigyan o bibigyan na siya ng mas matinding kapangyarihan ng panginoon ng kasamaan dahil nakapatay siya ng banal na tao?”

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Ganoon ang pagkaintindi ko. Dahil hindi naman ako pagtatangkaang patayin siguro ni Nanette kung selos lang. Talagang may mas higit pang pakinabang. At iyon ang magkaroon siya ng mas matinding kapangyarihan na regalo mula sa masamang panginoon kapag nakagawa siya ng espesyal na kasalanan.”

Habang nag-uusap sila, may napansin si Nanette. “Arturo, tingnan mo si Inang Maria!”

“A-ano’ng nangyayari?”

Nakikita nilang nalulusaw ang katawan ni Inang Maria pero hindi sa ordinaryong paraan.

Nagiging kulay puti muna ang buong katawan at saka unti-unting nawawala.

Nagkagulo ang lahat.

“Nasaan ang bangkay dito?” Tanong ng doktor.

“Dok, kitang-kita namin ang unti-unting pagkawala!” Sagot ng attendant. Binalingan ng doktor sina Nanette. “Kayo ang mga katabi ng bangkay, kayo ba ang mga kaanak? Nakita din ninyo ang nangyari?”

Tulirong tumango sina Nanette at Arturo.

“Ano’ng milagro ito?” Takang-taka pa rin ang doktor.

“Hindi ho rin namin alam, Dok.” Sagot ni Sheila.  

             ITUTULOY

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: