Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Allowance ng Anak

 Bigayan na naman ng baong pera o allowance sa mga estudyanteng anak ngayong pasukan. Ang tanong ay kung magkano na siyempre depende sa edad ng bata, abilidad sa paghawak ng pera, at financial na sitwasyon ng pamilya. Tingnan kung magkano ang kailangan ng anak, kung hanggang saan ang afford o kaya ng magulang na magbigay, at ayon sa budget ng magulang. Tanungin ang anak kung magkano ang pwedeng ibigay. Hayaang mag-suggest ang anak kung magkanong baon ang swak sa kanya at saka pag-usapan kung tama ba ang hinihingi niya. Ang proposal na amount ng anak ay dapat match sa value at budget ng pamil­ya.

Ang pagbibigay ng allowance sa anak  ay isang paraan na pagtuturo at paghahanda kung paano ito mag-budget at humawak ng kanyang pera habang lumalaki ang bata.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: