Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nobya Takot Mag pakasal

Dear Vanezza,

Maagang naulila sa magulang ang nobya ko.  Kaya takot siya sa commiment na kahit tatlong taon na kami ay wala siyang balak magpakasal kahit kailan. Nasa 28 years old na siya at pareho kaming may magandang trabaho. Ayaw niya ng emotional attachment. Sapat na sa kanya ang enjoy kami sa aming weekends sa apartment niya. Tapos ay subsob na siya sa trabaho niya. Gusto ko na pong magkapamilya. Pero anong gagawin ko kung ayaw niyang magpakasal? – Cesar

 

 

Dear Cesar,

Kung talagang mahal mo ang iyong nobya ay maghihintay ka hanggang handa na siya emotionally na magkaroon ng pamilya. Minsan wala sa haba ng relasyon ang basehan para magpakasal. Kung talagang mahal mo ang GF mo ay sasamahan mo siya sa kanyang takot hanggang sa ma-overcome niya ito.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sumasainyo,

Vanezza

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: