Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pampaliit ng Suso

Minsan ang pagi­ging malaki ng suso ng babae ay nagdudulot ng physical at emotional problems kabilang ang rashes, back pain, at neck pain. Maaari rin itong makaapekto sa posture at minsan mahirap makakita ng damit na kakasya. Para mapaliit ang suso ay kailangang magpababa ng overall body weight.

1. Magpakulo ng 1 kutsaritang ginadgad na luya sa 1 tasa ng tubig sa loob ng 10 minuto. Salain at lagyan ng honey bago inumin 3 beses sa isang araw.

2. Uminom ng 4 na tasa ng green tea sa isang araw sa loob ng ilang buwan. Nakatutulong ang green tea para makapagpapayat.

3. Uminom ng 2 kutsarang flaxseed oil araw-araw.

4. Magbate ng 1 egg white hanggang ma­ging smooth-cream ang texture nito. Ipahid ang pate sa ilalim ng suso at iwan ng 30 minuto. Maghalo naman ng juice ng 1 sibuyas sa isang baso ng tubig at gamitin itong panghugas sa egg white. Ulitin ito araw-araw para makita ang resulta.

5. Kumain ng cold-water fish tulad ng sal­mon, tuna, at mackerel na mayaman sa omega-3 fatty acids.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

6. Kumain ng fresh, organic fruits lalo na ‘yung matataas ang antioxidants para makabawas sa timbang.

7. Kumain din ng green vegetables tulad ng kale, broccoli, spi­nach at iba pa.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: