Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Lalaki Gumastos ng Milyones Para Magmukhang Duwende

Grabe na ‘to!

May mga tao talagang hindi mapakali sa kanilang hitsura at dumadaan pa sa  pagpapaopera at gumagastos ng limpak na salapi para lang makuha ang kanilang gusto.

Tulad na lamang ng isang Argentinian na nag­ngangalang Luis Padron na gumastos ng mahigit sa $45,000 sa plastic surgery para magmukhang duwende.

Matagal nang namamangha si Luis sa mga duwende kaya naman nagpursige siya para maging kamukha ng mga ito. Sini­mulan niya ang kanyang transformation sa pag-bleach ng kanyang balat at maging buhok. Gumagastos siya ng mahigit sa $7,000 buwan-buwan para lamang sa special creams, dyes, at SPF 100 sunscreen para lamang mabago ang kulay ng kanyang balat.

Gumastos nga rin siya ng higit sa $45,000 sa surgery para mapaayos ang kanyang mukha – liposuction, nose job, body hair removal, at isang procedure para mabago ang kulay ng kanyang mga mata.

Naging obsessed si Luis sa fantasy creatures noong siya pa lamang ay teenager matapos siyang ma-bully bilang isang bata.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: