^

Para Malibang

Bata, Ginamit ang Naipon na Pera Para sa Aso

Pang-masa

Para sa mga ibang bata, ang kanilang na­tirang pera mula sa ka­nilang baon o allowance ay nilalaan nila para ma­kabili ng laruan at kendi.

Kaya naman laking tuwa ni Elyse Betschart dahil kakaiba ang ginawa ng anak na si Jaxton, apat na taong gulang sa pera nitong naipon.

Gusto ni Jaxton na mag-adopt ng aso mula sa isang animal shelter.

Sobrang excited si Jaxton na makita si Tank na isang pit bull kaya naman dali-dali itong tumakbo sa bahay ng aso.

Kaso lang, hindi pala niya pwedeng ampunin ang aso dahil sa breed restrictions sa military housing.

Nalungkot ang bata pero agad na ipinaliwanag ni Elyse na matutulungan pa rin niya ang mga aso sa pamamagitan ng pag-sponsor sa mga ito.

Kaya naman agad na inilaan ni Jaxton ang pera sa sponsorship ng mga ito. Ang ibig sabihin, mabibigyan ng tamang pansin ang bakuna, sakit, de-worming, at iba pang treatment na kailangan ng mga aso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with