Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pacifiers Binibitin sa mga Puno sa Denmark

Nakakatuwang ma­laman para sa mga taong mahilig sa puno na ang mga ito ay kasama sa ‘ritwal’ ng mga bata sa bansang Denmark.

Alam natin na ang mga baby ay mahilig mag-thumb suck at gumamit ng paci­fiers. Pero sa Denmark, ‘namamaalam’ na ang mga bata sa kanilang pacifiers kapag sila ay tumuntong na sa edad na tatlo at pataas.

Sinasabit nila ang makukulay nilang pacifiers sa mga sanga ng puno na may kalakip na maliit na liham kung saan nakalagay ang ka­nilang pamamaalam sa kanilang mga pacifier.

Ito na rin ang ka­nilang paraan para alisin ang kanilang pagkasanay sa pagsubo at pagsipsip ng nasabing ‘laruan’.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: