Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pampaganda ng Sirkulasyon ng Dugo

BABALA: Kumonsulta sa inyong doktor kung may allergies, kontra sa inyong maintenance na gamot, o kung angkop ang mga sumusunod na home remedy sa inyong kondis­yon. Ang paggamit ng home remedies ay para lamang makatulong sa tamang lunas.

Maaaring maapektuhan ang buong katawan kabilang na ang utak, puso, atay, at bato sa poor blood circulation.

Ang karaniwang sintomas nito ay pamamanhid, cold hands at feet, pagkahapo, pagkahilo, paglalagas ng buhok, tuyot na balat, muscle cramps, at iregular na tibok ng puso. Narito ang ilang paraan para mapaganda ang blood circulation.

1. Mag-leg at hand exercises sa loob ng 15 minuto tuwing umaga.

2. Mag-hot bath, steam bath o sauna ilang beses sa isang linggo.

3.Uminom ng pinaghalong 1 kutsaritang turmeric powder at isang baso ng mainit na gatas na may kaun­ting honey 1-2 beses sa isang araw.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

4. Maghalo ng ca­yenne pepper sa mga lutuin.

5. Uminom ng 2-3 kutsara ng extra-virgin coconut oil.

6. Uminom ng 2-3 tasa ng green tea araw-araw.

7. Huwag umupo o tumayo sa isang posis­yon ng matagal. Mag-break kada-ilang oras.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: