^

Para Malibang

Dalaga sa Belarus Hinuhulaan ng Manok Kung Magpapagpakasal na

KULTURA - Pang-masa

May kakaibang tra­disyon ang mga single na babae sa Belarus.

Nagaganap ito tuwing bago pumatak ang unang araw ng taon. Naglalaro sila ng isang kakaibang laro. Hihilera ang mga ­single na babae at lalagyan ng tambak na mais ang tapat ng bawat babae. Pagkatapos nito ay magpapaka­wala sila ng isang manok. Ang pinakaunang tambak ng mais na maubos ang ­siyang sinasabing su­werte sa darating na taon. At ‘yun na raw ang taon kung saan makakapa­ngasawa ang dalaga.

Isa pang laro naman ay ginagamitan ng dala­wang salamin, ipagtatapat ito at isa umano sa salamin ang magpapakita ng future husband niya.

Naggugrupo rin ang mga single ladies sa Belarus para magkaroon ng parang fortune telling game kung saan titingnan nila kung sino ang unang magkakaasawa sa kanila at magkakapamilya sa darating na taon.

Sadyang mahilig mang­­hula at gumamit ng laro ang mga taga-Belarus, pero masaya itong tradis­yon na pang-aliw din naman sa mga dalaga.

vuukle comment

BELARUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with