^

PM Sports

May 8-linggo si Pacquiao para paghandaan si Horn

Pang-masa

MANILA, Philippines - Walong linggong magsasanay si Manny Pacquiao para paghandaan ang kanyang title defense laban kay Australian challenger Jeff Horn.

Para sa 38-anyos na Filipino world eight-division champion, sapat na panahon na ito para sa pagtataya niya ng suot na WBO welterweight crown laban sa 29-anyos na si Horn sa Hulyo 2 sa Brisbane, Australia.

“Sakto lang. Eight weeks,” wika ni Pacquiao matapos ang two-hour gym session kahapon sa Elorde Gym sa Mall of Asia Complex sa Pasay City.

Nag-jogging si Pacquiao sa umaga kasunod   ng gym session kinahapunan bago sumabak sa kanyang trabaho sa Senado.

Pitong rounds ang ginugol niya sa mitts kasama si Pinoy trainer Buboy Fernandez at isang oras naman sa heavy bag, speed ball, skipping ropes at abdominal exercises sa patnubay ni longtime training assistant Nonoy Neri.

Ganap na alas-8 ng umaga ay tumakbo si Pacquiao sa paligid ng kanyang tahanan sa Forbes Park sa Makati City kasunod ang pagpapapawis niya sa gym bandang ala-1 ng hapon.

Mula sa gym ay dumiretso si Pacquiao sa Senate session sa alas-5 ng hapon.

Naging abala ang eight-division champion, hindi nadaluhan ang lunch meeting kay dating Senator Bongbong Marcos at isa pang event sa Philippine Navy headquarters sa Roxas Boulevard.

“Training na ulit,” wika ni Pacquiao. “Light training pa lang.”

Inaasahan ni Pacquiao na darating si chief trainer Freddie Roach sa susunod na dalawang linggo para sa kanyang training camp.

Magkakaroon ng break ang Senado mula Hunyo 3 hanggang Hul-yo 23 na magbibigay sa fighting senator ng sapat na panahon para paghandaan si Horn.

Balak ni Pacquiao na dalhin ang kanyang training camp sa Ge-neral Santos City para magsanay at makapi-ling na din ang kanyang pamilya.

“Eksakto talaga ang schedule ng fight,” wika ni Pacquiao, nangakong hindi makakaabala ang boksing sa kanyang trabaho sa Senado.

Dahil sa kanyang legislative duties ay hindi pinuwersa ni Pacquiao na lumaban sa Mayo 20.

“Nag-promise ako sa tao. Kaya mas okay na ang July na fight na naka-recess ang senado,” wika ng Senador.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with