^

Bansa

Housing sa Bulacan ‘di pa maibibigay sa Kadamay

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ni Cabinet Sec. Leoncio Evasco Jr. na hindi pa agad maibibigay sa mga miyembro ng Ka­damay ang kanilang inagaw na mga pabahay sa Pandi, Bulacan na nakalaan sana sa mga sundalo at pulis.

Sa kabila ito ng nauna ng pahayag ni Pangulong Duterte na hayaan na sa mga Kadamay ang bahay ng mga sundalo at pulis tutal naman daw ay mahirap din sila at para maiwasan ang kaguluhan.

Sinabi ni Sec. Evasco na siya ring chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), kailangan pang magkaroon ng evaluation sa mga Kadamay members kung kuwalipikado talaga silang mabigyan ng pabahay at kung hindi pa sila nagawaran ng housing unit noon pero ibinenta o ipinauupa lamang sa iba.

Ayon kay Evasco, may legal question din sa paglilipat ng housing title dahil unang nailaan ang pondo sa mga sundalo at pulis. Kaya kailangan daw maisaayos muna ang proseso at masunod ang batas upang hindi sila makasuhan ng technical malversation of funds kung basta na lamang ilipat ang pagmamay-ari ng mga pabahay sa Kadamay.

 

vuukle comment

LEONCIO EVASCO JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with