^

Bansa

Salceda, nahalal na chairman ng DND advisory council

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nahalal kamakailan si Albay Rep. Joey Sarte Salceda bilang chairman ng  Department of Natio­nal Defense (DND) Multi-Sector Advisory Council (MSAC), na gagabay sa DND tungo sa katuparan ng mga layunin at programa nito sa ilalim ng Philippine Defense Transformation Roadmap (PDTR) 2028.

Ang MSAC ay itinatag batay sa mga alituntunin ng Performance Government System o PGS, na naglalayong pasulungin ang “good governance, transparency and accountability” sa DND. Dati nang nahirang si Salceda bilang adviser nito, at chairman ng Regional Advisory Committee for Philippine National Police Transformation and Development sa Bicol Region.

Bukod sa mga policy recommendations, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, isinusulong din ng MSAC ang aktibong pakikilahok ng iba’t-ibang sector ng lipunan sa mga programa ng DND para matiyak na akma at nakakatugon ito sa pangangailangan ng mga Pilipino. 

Nauna nang nangako si Salceda na tutulungan niya ang AFP sa financial programs nito. 

Binigyang diin din ni Salceda na dapat magkaugnay ang pagkilos ng lahat ng ahensiya ng DND upang magkaroon ng katotohanan ang tema nilang  “One Defense Team, Transforming Together.”

Kasama rin sa mahahalagang programa ng DND ang modernisasyon ng AFP, dagdag sahod, pabahay at benepisyo para sa mga tauhan nito.

Sa kasalukuyan, may ranggo siyang Lieutenant Colonel sa AFP reserve force. Siya rin ang regional commander ng 33rd Air Force Group Reserve sa Bicol.

vuukle comment

JOEY SARTE SALCEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with