^

Bansa

10 hinihinalang rebeldeng NPA sumuko sa Ifugao

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Sumuko sa mga militar ang sampung mga hinihinalang elemento ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) mula sa bayan ng Asi­pulo sa lalawigang ito, kamakalawa.

Ayon kay Lieutenant Colonel Nicolas Quemado Jr., commanding officer ng 54th Infantry Battalion, dakong alas 11:30 ng umaga kamakalawa nang personal na magtungo sa kanilang kampo sa Tiger Hill, Kiangan, Ifugao ang mga pinaghihinalaang mga rebelde kasama ang ilang opisyal ng pamahalaan at Barangay ng Asipulo para sumuko.

Nauna rito ay lumapit ang mga rebelde kay Barangay Captain Grace Tayaban ng Barangay Namal, Asipulo para humingi ng tulong sa kanilang pagsuko.

Dahil dito ay agad naman na sinamahan ni Tayaban kabilang na rin si Vice Mayor Tomas Pullupul at PSI Leo Guay, hepe ng Asipulo PNP ang mga pinaghihinalaang rebelde sa kampo ng militar.

Ayon kay Quemado, ang pagsuko ng mga rebelde ay matapos na mailantad nila sa publiko ang katauhan ng mga NPA nang makuha nila sa nabawing kampo ng kalaban noong Pebrero ang kumpletong pangalan ng mga rebeldeng grupo maging ang kanilang mga tirahan at trabaho.

Ayon naman sa pa­nig ng mga sumuko, ina­min nilang may lumapit sa kanilang mga rebelde kung saan nakikain pa umano sa kanilang mga tahanan, subalit, iginiit ng mga ito na hindi naman daw umano sila NPA kung kaya’t nagtataka umano sila kung bakit maging sila ay may mga pangalan sa listahang nabawi ng mga militar.

Dakong alas 3:00 ng hapon kamakalawa nang pauwiin din ang mga pinaghihinalaang mga rebelde matapos manumpa at magbigay ng suporta sa pamahalaan.

vuukle comment

NICOLAS QUEMADO JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with