^

PSN Showbiz

GMA gamit na gamit sa text scam

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ipinagdarasal ng avid fans ni Kiefer Ravena na hindi makaapekto sa mga product endorsement niya ang kinasasangkutan na leaked photo at extortion scandal.

SCENE: Kailangan pa ni Piolo Pascual ang suporta ng kanyang mga tagahanga para maging matagumpay sa takilya ang Northern Lights, ang pelikula nila ni Yen Santos.

SEEN: Kahapon ang dry run ng Tito Diego’s, ang bagong restaurant business ng actor-turned-newscaster na si Diego Castro. Katapat ng Ateneo de Manila University at katabi ng National Bookstore sa Katipunan Avenue, Quezon City ang Tito Diego’s.

SCENE: Ginagamit sa mga text scam ang GMA Network, Inc., GMA Kapuso Foundation, at ang pangalan ni GMA-7 CEO Atty. Felipe L.Gozon. Malaking pera ang pangako ng mga text scammer sa mga biktima na mabilis maniwala sa mga natatanggap na mensahe.

SEEN: Humbling experience para sa reporter na si Laila Chikadora ang paninigaw sa kanya ng talent manager na si Jonas Gaffud dahil may mga insidente na hindi niya nirespeto ang karapatang pantao ng mga artista at ebidensya ang uri ng kanyang paghahatid ng showbiz news.

SCENE: Ang 42nd Metro Manila Film Festival (MMFF) Best Supporting Actress na si Phoebe Walker ang April cover girl ng FHM. Nanalo si Phoebe ng acting award dahil sa pagganap niya sa Seklusyon.

SEEN: Carbon copy ni Marlon Stockinger ang twin daughters nila ng kanyang ex-girlfriend na si Kit Barraquias. Kumalat ang litrato ng mga bata dahil nakalagay ito sa social media accounts ng kanilang ina.

SCENE: Lilli at Violette ang pangalan ng mga anak nina Marlon Stockinger at Kit Barraquias. Ang mag-iina ang cover ng isang magazine na lumabas noong October 2015.

vuukle comment

KIEFER RAVENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with