^

PSN Showbiz

Marlon hindi kinilala ang mga anak, nanay na model ayaw maghabol!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Waiting ang lahat sa magi­ging kapalaran ng relasyon ng car racer na si Marlon Sto­ckinger at ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach. Ito ay matapos kumpirmahin ng model na si Kit Barraquias sa interview ng kaibigang si Arniel Serato ng pep.ph na ang karerista nga ng kotse ang ama ng kanyang pitong taong kambal na anak na babae.

Actually, hindi na bago ang kuwentong may kambal na ngang anak si Marlon. ‘Yun nga lang, walang nagkukumpirma. Eh ngayong lumantad na ang modelo na nag-cover din sa mga men’s mag.

Pero batang ama pala si Marlon, 18 lang siya at 27 ang nasabing model nang mabuntis ito.

Ika-fourth month ng kanyang pagbubuntis nang maghiwalay sila ni Marlon ayon kay Kit.

Banggit pa ni Kit sa exclusive interview, wala siyang planong maghabol sa umano’y ama ng mga bata na si Marlon. Gusto lang daw niyang itama ang lahat since matagal na nga itong naglalabasan sa mga tabloid at entertainment website.

At oras na itanggi umano ni Marlon na siya ang ama, willing siyang ipa-DNA test ang mga bata na nagkalat na ang picture sa social media dahil nga uploaded ito ng kanilang nanay.

Wala rin daw itong (Marlon) ibinigay na financial support ayon pa sa modelo. Pero pinagdidiinan niyang hindi siya nanghihingi kaya siya nagsalita dahil kaya niya raw buhayin ang dalawang bata at wala siyang pinagsisisihan sa mga nangyari.

As of presstime, tahimik pa ang kampo nina Marlon at Pia.

Naungkat ang isyu ng anak ni Marlon nang itanong ito kay Pia sa isang presscon ng kanyang iniendorsong produkto. Nagulat siyempre si Pia at nakapagsalita na baka ibang Marlon ang sinasabi nilang may anak na.

Sa true lang, hindi naman maitatanggi ni Marlon na anak niya ang mga bata. Copycat niya ‘yun base sa mga pictures na nagkalat sa social media ha.

Lalabas pa naman ang mag-syota sa Gandang Gabi Vice at base sa trailer ha, ang lakas ng kilig nila dahil sa declaration nila ng love for each other.

Kris in love sa car racer Na Ex ng mga Sexy Star

Uy, in love na raw uli si Kris Aquino.

Ang anak daw ng kanyang producer na si Madam Doray Morales na si Renan ang bagong dini-date ba o karelasyon na ni Kris. Ito raw pala ang nagpadala ng santambak na Ecuadorian roses (na tatlong yaya ang nagbuhat) at balloons na ipinost ni Kris sa kanyang Instagram kamakailan.

Mismong si Aling Doray daw ang nagkukuwento tungkol sa namuong relasyon ng kanyang anak at Kris ayon kay Nay Lolit Solis na nakausap kahapon ng baguhang producer.

Si Renan ay ex daw nina Juliana Palermo (naalala n’yo pa ba siya?), Andrea del Rosario, Sheree, at Jenny Hernandez kung saan may anak diumano ang car racer. Yup, obvious na mahilig sa sexy star ang car racer.

Madalas na raw itong dumalaw sa taping ni Kris at sa tuwing dadalaw, ang tagal daw mag-usap ng dalawa.

Kasamahan si Renan ni Marlon Stockinger dahil nga nagko-compete sa mga international car racing ang sinasabing bagong apple of the eye ng TV host, ayon pa kay Nay Lolit.

So parang totoong malabo na talaga sila ni Mayor Herbert Bautista.

                                                                                               

vuukle comment

MARLON STO­CKINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with