^

PM Sports

2nd leg ng Imported/Local pakakawalan ngayong araw

Pang-masa

MANILA, Philippines - Muling masusubukan ang husay at bilis ng limang taong babaeng alasang kabayo na Atomicseventynine sa gaganaping 2nd leg ng Imported/Local Challenge Race ngayong araw sa San Laza-ro Leisure Park.

Ang imported runner na galing sa USA ay ipi-nanlaban ni businessman/sportsman Joseph C. Dyhengco at ikinukundisyon ni Anthony Lagrata Francisco at si jockey Rodeo Garcia Fernandez ang inatasan nilang gumabay sa kabayo.

Makakalaban ng Atomicseventynine ang napupuntong pangarera ni Benhur C. Abalos Jr. na limang taong lalakeng kastanyo na Lakan na pinasakyan kay Andrew R. Villegas.

Coupled runner ng Lakan ang isang puting kabayong Malaya na isang anim na taong babaeng kabayo.

Ang isa sa magiging kakampi ng Lakan ay ang Malaya, isang puting kabayo, na ipinaubaya naman kay Jonathan B. Hernandez.

Dahil 1,500 metro lang ang distansiya ng laba-nan ay aasahan rin ang maagang labanan para sa mga sprinters na kagaya ng Skyway na si Onil P. Cortez ang papatong.

Kasali rin sa labanan ang mga kilalang derema-teng kabayo na tulad ng Kanlaon, entry ni Benhur Abalos III at kinukundisyon ni C.C. Angeles, habang si Val R. Dilema ang binigyan nila ng renda.

Deremate rin ang Hot And Spicy, pitong taong lalakeng kastanyo na ipinanlaban ni George R. Raquidan at ipinaeensayo ni Filomeno G. Fernandez.

Si Lester F. De Jesus ang natoka nila para gu-mabay sa Hot And Spicy.

At ang isa pang kilalang kabayong manggaga-ling sa likuran ng grupo ay ang anim na taong la-lakeng kabayong kastanyo na Manalig Ka na mula sa malaking kuwadrang Esguerra stables.

Ang apprentice jockey na si Mark M. Gonzales ang siyang magdadala sa Manalig Ka. (JMacaraig)

 

vuukle comment

IMPORTED/LOCAL CHALLENGE RACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with