^

PM Sports

Nagbalik na ang tikas ni Orcollo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Muling umugong ang pangalan ng dating billiards world champion na si Dennis Orcollo nang pagharian nito ang 2017 Virginia State 10-Ball Championship kahapon sa Midlothian sa Virginia, USA.

Gamit ang malawak na karanasan, iginupo ni Orcollo ang Amerikanong si Shaun Wilkie sa pamamagitan ng 11-6 come-from-behind win sa finals.

Mula sa maagang 5-2 kalamangan ni Wilkie, nagpamalas ng swabeng pagtumbok at malalakas na breaks si Orcollo upang kunin ang walo sa siyam na sunod na racks tungo sa kampeonato.

Napasakamay ni Orcollo ang premyong $2,000 habang nagkasya sa $1,300 runner-up prize si Wilkie.

Nakapasok sa finals si Orcollo matapos isa-isang dispatsahin sina Max Schothauer (8-4), Jarrod Clowery (8-4), Chris Brunes (8-3) at Reymart Lim (8-3) sa unang yugto ng torneo.

Subalit lumasap si Orcollo ng 4-8 kabiguan sa kamay ni Wilkie upang mahulog ito sa loser’s bracket.

Ngunit nagawang makabawi ni Orcollo sa one-loss side nang talunin nito si Mike Davis para maisaayos ang muling pakikipagtipan kay Wilkie sa finals.

Ito ang ikatlong titulo ni Orcollo sa taong ito matapos pagharian ang 2017 Derby City Classic 9-Ball Division at mapasakamay ang 2017 Derby City Classic master of the Table noong nakaraang buwan.

Sa kabuuan, mayroon nang $48,200 na nakolektang premyo si Orcollo upang hawakan ang unang puwesto sa Az Billiards Money Leader Board.

Samantala, yumuko si Filipino-Canadian Alex Pagulayan sa quarterfinals ng 2017 World Pool Masters na ginanap sa Gibraltar.

Nagtala ng 8-1 panalo si Pagulayan laban kay Gibraltar qualifying winner Stephen Webber bago umani ng dikit na 7-8 desisyon sa kamay ni Jayson Shaw ng Scotland.

Itinanghal na kampeon si David Alcaide ng Spain na nagsumite ng 8-7 panalo kay Shaw sa finals.

vuukle comment

DENNIS ORCOLLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with