^

Pang Movies

Alden at Maine dapat maalarma na sa sobrang kasipagan

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dapat nang maalarma sina Alden Richards at Maine Mendoza sa pagkaka-ospital ng una dahil sa sobrang pagod at puyat.

Masayang magkamal ng maraming pera dahil sa sobrang sipag at dami ng project pero ang masama ay kung sa ospital at doctor lang naman pala mapupunta ang pinaghirapan mong pera.

Dapat nilang malaman na health is weath.

Erich at Daniel pinapalakpakan

Nakakaloka naman ang break up kuno nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga. Sobrang ingay at kung anu-anong speculation ang kumalat at may banta pang may pasasabuging balita.

Guess what kung ano ‘yung pasa­sabugin, tungkol pala sa show nila sa America.

Nakakaliw. Marami tuloy pumapalakpak sa Kapamilya Network kung talagang isang gimik lang ito para pag-usapan ang natapos na show ng dalawa.

Cell phone ni Odette winasak ni Ryzza

Matagal na rin sa showbiz ang bete­ranang character actress na si Odette Khan subalit sa tagal niya sa industriya, ngayon lang siya napaiyak.

Ang masakit, isa pang baguhan ang nakapagpaiyak sa orihinal na taray queen, walang iba kundi si Ryzza Cenon na umagaw at nagbalibag sa cell phone niyang 3310 na wala nga ni kamera. Bilang isang katulong sa bahay, malaking bagay ang cell phone na pag-aari nito.

Humahanga kami sa director ng Ika-6 Na Utos dahil pantay-pantay ang pagtingin niya sa mga artista sa pagbibigay ng role.

May nagtatanong tuloy, palitan kaya ni Ryzza ang sinirang phone ni Odette?

Rita at EA may reunion  movie

Nagkasama na noon sina Rita Avila at Edgar Allan Guzman sa pelikulang Cougar.

Ngayon ay iba naman ang karakter nina Rita at Edgar Allan sa pelikulang Tatlong Bibe. Gumaganap si Rita bilang isang babaeng mabagsik sa mga bata sa nasabing film na directed by Joven Tan.

Sa tunay na buhay, kabaligtaran ang ugali ni Rita dahil mabait siya sa mga ito specially sa mga bata.

Anak ni Sen. Grace guest sa Collegio…

Sa February 24 magiging special guest ng Collegio De Juan De Dios ang anak ni Sen. Grace Poe na si Brian Poe Llamanzares dito sa Poblacion, San Rafael, Bulacan.

Magkakaroon ng story telling program.

Si Atty. Susan Huera ang president ng samahan na mangunguna sa nasabing proyekto. Darating din sana si Sen. Grace Poe pero nagkaroon ng problema.

Si Atty. Huera ay grandchild ng dating producer ng LVB Pictures na si Doña Sisang De Leon.        

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with