^

Pang Movies

Maymay ‘di nagpaawat sa artehan!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Ang galing naman ni Maymay Entrata na kasalukuyang napapanood sa Pinoy Big Brother.

Napahanga lang naman niya si Direk Rory Quintos nang makapasa siya sa audition sa loob ng Bahay ni Kuya.

Hindi napigilan ni Direk Rory ang matawa sa pagiging komikera at kalikutan ni Maymay na para raw kiti-kiti kung kumilos.

Ayon kay Direk Rory, mahusay si Maymay dahil nagawa nito ang lahat ng emosyon na hinihingi ng award-winning na director.

No wonder kung bakit nag-trending na naman si Maymay dahil sangkatutak ang natutuwa sa ‘di nila inasahang talent sa acting ng dalaga.

Umaasa ang lahat na si Maymay ang tatanghaling big winner sa malapit na PBB Big Night.

Pero siyempre hindi nawawala ang mga bitter na bashers na ayaw sa style ng pagpapatawa ni Maymay na sinasabing walang originality dahil nanggagaya lang daw siya  sa pagpapatawa ni Melai Cantiveros.

Syempre ay hindi nagpaawat ang tagapagtanggol ni Maymay na naniniwalang may future ito sa comedy o iyakan matalo o manalo man sa Pinoy Big Brother.

 

vuukle comment

MAYMAY ENTRATA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with