^

Pang Movies

Sheena nagpakain ng mga bata sa Indonesia

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Bago naging busy si Sheena Halili sa taping ng Destined To Be Yours, may pinagkaabalahan pala itong travel vlog ng kanyang pagpunta sa Bali, Indonesia.

Mapapanood nga sa vlog ng Kapuso actress ang pagpunta niya sa isang outreach program sa Bali Children Foundation.

Matagal na ngang binabanggit ni Sheena na gusto niyang mapasama sa ilang outreach programs na may kinalaman sa mga bata. Kaya hindi nga raw niya pinalampas ang pagkakataong ito na makatulong at makapagbakasyon ng sabay.

Makikita rin sa vlog ni Sheena ang pagsuot niya ng traditional Balinese costume at ang pakikipaglaro niya sa mga bata. Nandoon din ang pagpunta niya sa Lombok beach at ang pagpapakain niya ng mga unggoy.

Nagagawa nga raw ito lahat ni Sheena dahil single raw siya at walang lovelife na iniintindi.

Pero kahit na wala raw siyang boylet, may karapatan pa rin daw siyang magbigay ng advice tungkol sa pag-ibig.

Dumaan nga naman sa ilang relasyon si Sheena na bagama’t hindi nag-succeed, marami naman siyang aral na napulot dito.

Album ni Michael Jackson mas tumaas pa ang benta

Ang album ng yumaong King of Pop Michael Jackson na Thriller ang siyang hinihirang pa rin na biggest album in history dahil bumenta na ito ng higit sa 33 million copies in the United States alone.

Ang worldwide sales nito ay umabot na sa 105 million copies.

Ayon sa Recording Industry Association of America, ang 1982 album ni Jackson ay lalong tumaas ang sales kasama na rito ang streaming na nakadagdag sa sales ng album.

Ang mga naging all-time hits in Thriller album ay Beat It, Billie Jean at ang title track na Thriller.

Ang second top-selling album in US history ay ang abum ng bandang Eagles na Eagle’s Their Greatest Hits (1971-1975).  Higit na 29 million copies ang nabebenta nito.

 

vuukle comment

SHEENA HALILI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with