^

PM Sports

12 triple double kay Harden

BURP - Pang-masa
12 triple double kay Harden
Si James Harden ng Houston Rockets laban kay Quincy Acy ng Brooklyn Nets.

BROOKLYN -- Ipinoste ni James Harden ang kanyang pang-12 triple-double ngayong season at tinulungan ang Houston Rockets na tapusin ang ikalawang sunod na kamalasan.

Humakot si Harden ng 22 points, 11 rebounds at 11 assists para pamunuan ang Rockets sa 137-112 paggupo sa Nets.

Ito ang ika-32 panalo ng Houston, nagsalpak ng kabuuang 21 three-point shots sa 43 games.

Nag-ambag si Eric Gordon ng 24 points mula sa 9-of-14 fieldgoal shooting at nagtala si Trevor Ariza ng 23 points galing sa 9-of-14 field goal attempts.

Tumipa si Ariza ng anim na triples para sa Rockets.

Nalasap naman ng Nets ang kanilang ika-10 sunod na kamalasan at pang-32 sa 40 games.

Pinangunahan ni Trevor Booker ang Brooklyn sa kanyang 18 points at nagdagdag si Ronda Hollis Jefferson ng 14 points mula sa bench.

Sa Toronto, nagtuwang sina DeMar DeRozan, DeMarre Carroll at Norman Powell para sa ikatlong sunod na panalo ng Raptors matapos kunin ang 116-101 panalo sa New York Knicks.

Tumapos si Derozan na may 23 points kasunod ang 21 at 20 markers nina Powell at Carrol, ayon sa pagkakasunod para sa ika-27 panalo ng Toronto sa 40 games.

Ipinoste ng Raptors ang 38-point lead, 96-58 sa third period at hindi na nilingon pa ang Knicks, nakahugot kay Carmelo Anthony ng 18 points.

Sa Dallas, dumiretso ang Mavericks sa kanilang ikalawang dikit na panalo nang gibain ang Minnesota Timberwolves, 98-87.

Naglista si Wesley Matthews ng 19 points kasunod ang 17 markers ni Dirk Nowitzki para sa ika-13 panalo ng Dallas sa 40 games.

Ito ang unang back-to-back wins ng Mavericks ngayong season.

Kumolekta naman si starting guard Deron Williams ng 13 points at 10 assists habang may 15 markers si JJ Barea mula sa bench para sa Dallas.

Napigilan ang tatlong sunod na arangkada ng Timberwolves, nakahugot kay Karl-Anthony Towns ng 18 points at 9 rebounds.

 

vuukle comment

HARDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with