^

PM Sports

DLSZ-FEU Jr. booters magsasagupa sa finals

MRYOSO - Pang-masa

MANILA, Philippines - Itinakda ng De La Salle Zobel at Far Eastern University ang kanilang title duel matapos blangkuhin ang kani-kanilang kalaban sa UAAP Season 79 juniors football tournament sa Moro Lorenzo Field.

Pinahaba ng Junior Archers ang kanilang winning streak sa apat matapos blangkuhin ang University of Santo Tomas, 3-0 habang nangailangan ang Baby Tamaraws ng dalawang late goals upang igupo ang Ateneo, 2-0.

Ang De La Salle-Zobel ay mayroon na nga-yong maximum na 12 points habang ang FEU-Diliman ang pumapangalawa sa kanilang siyam na puntos at sigurado nang top-two teams dahil wala nang iba pang teams na makakaabot sa kanilang karta patungo sa huling dalawang playing days ng eliminations.     

Nakaiskor si Joshua San Diego bago matapos ang first half at isinelyo nina Miguel Basmayor at rookie John Rey Lagura ang panalo sa kanilang second half goals para sa Junior Archers na tutuntong sa championship sa unang pagkakataon.

Ang Blue Eaglets at Tiger Cubs ay nananatili sa ilalim na parehong may tig-isang puntos lamang.      

Nakatakda ang one-game final sa Feb. 4 sa McKinley Hill Stadium.

vuukle comment

DE LA SALLE ZOBEL AT FAR EASTERN UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with