^

Para Malibang

House Of Death (116)

HOUSE OF DEATH - Gilda Olividado - Pang-masa

NAPANSIN ni Gela ang inang parang tulala.

“Inay? Okey ka lang?”

Kumurap-kurap naman si Anna.

Kaya akala ni Gela ay may iba lang itong iniisip.

Nang lumakad si Anna palabas ng malaking kusina ng mansiyon, akala nila may iba lang itong gagawin.

“Bakit kaya parang wirdo si Inay?” Tanong ng pangalawang anak.

“Baka may naaalala o nakakalimutan. Saka tapos na naman siyang magluto ng pananghalian kaya siguro umalis muna.”

“Maghain na tayo, Ate Gela?”

“Mabuti pa. Para pagbalik ni Inay, kakain na lang. Pagkatapos kasi nating kumain, pupunta na ako sa grocery na pagtatrabahuan ko. Orientation ko ngayong hapon, e. Magsisimula ako bukas na.”

“Galing mo, Ate Gela. May trabaho ka na. May suweldo. Tiyak magugustuhan ka ng mga amo mo kasi mabait, masipag at matalino ka naman.”

“Naku, pinapataba mo naman ang puso ko, bunso. Pero sana nga, magustuhan nila ang klase ng trabaho ko. Kasi gusto kong magtagal dito, mukhang mabait ‘yung amo ko, e.”

WALANG nakakapansin na si Anna ay nasa harapan na ng bodega kung saan nakalagay ang antigong wheelchair.

Parang wala sa sarili, parang may nag-uutos sa kanya na hindi nakikita ... na buksan niya ang bodega.

Malapit lang sa pinto ang wheelchair, tila tulala pa ring kinuha ni Anna ang wheelchair na  antigo. Inilabas.

Nakalabas siya ng mansiyon na tulak-tulak ang antigong wheelchair. Wala pa rin sa sarili. Kumikilos nang parang hindi niya alam.

SA SIMBAHAN, kinukumbinsi na nina Mario at Father Boyet ang tatlong anak nina Temyong at Azon. Na pumasok sa simbahan.

Nag-aalinlangan ang mga bata.

“Baka po ano mangyari sa amin sa loob ng simbahan. Hindi po ba, iba na ang aming pinagdadasalan?” Sabi ng panganay.

“Baka po masasaktan kami. Mapapaso. Masusunog. Ganoon po napanood namin sa mga pelikula, kapag sumasamba na sa ibang panginoon, hindi nakakayang pumasok sa loob ng simbahan.” Itutuloy

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with