^

Para Malibang

Masakit ang Tiyan, Puson, at Balakang (2)

MAINGAT KA BA!? - Miss S - Pang-masa

Hindi porket masakit ang tiyan, puson, o ba­lakang, menstruation ang dahilan. 

Maaaring ito’y simpleng bagay lamang pero maaaring may seryosong dahilan ang nararamdaman pero ang kadalasang iniisip ay parating lang ang monthly period na ‘dalaw.’ 

Puwedeng ito ay dahil sa Inflammatory Bowel Disease (Crohn’s Disease or Ulcerative Colitis) na natalakay na natin noong nakaraan.

Puwede  ring dahil sa Ovulation.

Kung hindi pa nagme-menopause at mayroon pang ovary, puwedeng makaramdam ng stomach mid-month, bago dumating ang period. 

Nangyayari ito kapag nag-release ang ovary ng egg para ihanda ang iyong katawan sa posibleng pagbubuntis.

 Ang nararamdamang sakit at tinatawag na “mittelschmerz,” na ang ibig sabihin ay middle pain.

Kung nagka-cramps, mapapansin na ang sakit na nararamdaman ay nasa isang side lang ng tiyan, tumatagal ito ng ilang minuto hanggang sa ilang oras.

Puwede itong makirot at pabigla-bigla.

Kung aling bahagi ng ovary ang nare-release ng egg, sa side na ito makakaramdam ng sakit. - (ITUTULOY)  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with