^

Para Malibang

House of Death (115)

HOUSE OF DEATH - Gilda Olividado - Pang-masa

HINDI makapaniwala si Mario sa nakikita. At naging tuwang-tuwa.

“Umalis na sina Benilda sa likod ninyo? Pinalaya na nila kayo? Salamat sa Diyos!”

“Okay lang ba kayo, mga bata?” Tanong ng pari.

“Opo! Hindi na po mabigat ang mga likod namin. Kaya nga po sa tuwa namin, naglaro muna kami dito. Sorry, Mang Mario ... hindi kami sumabay sa pagpasok sa inyo sa simbahan.”

Natigilan si Mario, kinabahan. “Mga bata, baka takot kayo sa simbahan?”

Hindi nakasagot ang mga bata.

Sa pari naman buma­ling si Mario. “Father, ano sa palagay ninyo?”

“Huwag naman sana. Wala namang dahilan.”

“Pero hindi ho ba naikuwento ko na sa inyo ang pagsamba nila sa masamang imahe? Dahil naimpluwensiyahan sila ng mga magulang nila?”

Natigilan din ang pari.

“May paraan naman para malaman natin kung ano ang estado ng mga kaluluwa ng mga batang ito. Imbitahan natin silang pumasok sa simbahan ngayon din.”

SI ANNA ay kasalukuyang nagluluto ng pananghalian sa kusina. Pumasok si Gela at mga kapatid.

“Nay, tutulong na kami. Tapos na ho ka­ming maglinis, e.”

“Huwag na. Kaya ko na ito. Magpahinga na lang kayo.”

“Inay, ang mga kapatid ko na lang ho muna ang sasama sa inyo dito sa bahay. Papasok ho akong tindera doon sa grocery na malapit lang dito. Tinanggap ho ako, e. Tutal, bakasyon na naman.”

Nagulat si Anna. “Hindi ka man lang muna nagpaalam sa amin ng tatay mo bago ka mag-aplay ng trabaho? Disisiyete ka pa lang, Gela. Underage ka pa.”

 “Ang nanay naman, naghahanapbuhay na rin naman ho kami ng mga kapatid ko doon pa sa atin. Nagtitinda ng kung anu-ano. Eh sa laki ng bahay na ito at saka maraming multo, hindi puwedeng wala kayong kasama dito. Kaya ang magtatrabaho lang ho ay si Itay at ako kapag bakasyon. Pumayag na kayo, Inay. Sayang, e. Apat na libong piso ang suweldo tapos libre lahat pagkain ko.”

Wow, may pera na si Ate Gela!” Tuwang-tuwa ang sumunod na kapatid.

“Makakatulong ‘yon para lagi tayong may pagkain saka pag pasukan na, may pambaon na tayo.” Masayang sagot ni Gela.

“Ang bait talaga ni Ate Gela!”

Wala na sa usapan ng mga anak ang atensiyon ni Anna, para na naman itong natutulala. ITUTULOY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with