Culinary skills
Tama na mas nakatitipid ng budget kapag nagluluto sa loob ng bahay ng sariling meals. Pero kasi maraming pamilya, busy na indibidwal, at professional ang walang oras na magluto ng healthy at masasarap na pagkain.
Kung may talent sa kusina ay maaari itong pagkakitaan lalo na ngayong Kapaskuhan. Marami na ang pumapasok sa catering business na naging patok sa kanilang negosyo. Hindi naman kailangang mag-offer ng full time meals. Puwedeng magpokus lang sa isang bagay gaya ng homemade gourmet cookies, cup cakes, yema cake, carrot cake, banana cake, leche plan, kakanin, ulam, at marami pang recipes na pagpipilian kung saan nag-i-excell ang panlasa at hilig ng iyong culinary skills.
Maraming paraan para pumasok sa catering business na hindi kailangan magbukas agad ng full scale na restaurant o kainan. Karamihan ay nagsisimula sa pag-specialize muna sa isang recipe, bago paisa-isang nagsanga-sanga ang kanilang negosyo.
- Latest