^

Para Malibang

Tips kung may pupuntahang events

KIKAY KIT - DC - Pang-masa

Lahat tayo ay gustong mahusgahan base sa ating kaalaman at kasanayan at hindi sa ating panlabas na kaanyuhan. Pero hindi natin maitatanggi na malaki ang impact ng panlabas na anyo lalo na kung unang beses mong makikita ang isang tao.

Narito ang ilang tips kung paano ka magkakaroon ng magandang first impression:

1. Huwag sumimangot lalo na kung una mong makakaharap ang isang tao. Maging conscious sa non-verbal communication o ‘yung mga facial expression at body language. Ngumiti rin ng bukal sa loob.

2. Ang pananamit ay sumasalamin sa iyong pag-uugali. Kaya naman kung nais mong maganda ang maging impression ng tao sa iyo, magsuot ng malinis na damit na tama ang fitting. Magdamit din ng naaayon sa okasyon na iyong pupuntahan.

3. Mas makabubuti kung huwag masyadong gumamit ng maraming accessories dahil nakaka-distract ito lalo na kung ikaw ay nasa job interview. Less is more, ika nga.

4. Malaki ang kontribusyon ng buhok sa ating kalahatang hitsura. Panatilihing malinis ang ating buhok (pati na ang kuko) at siguradu­hing hindi ito naka­takip sa ating mukha.

5. Nakatutulong ang make up para magmukha tayong confident at powerful pero kung sosobra naman, baka magmukha kang clown. Iayon ang make up base sa okasyon na pupuntahan at sa iyong pananamit.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with