^

Para Malibang

House Of Death (44)

HOUSE OF DEATH - Gilda Olividado - Pang-masa

RAMDAM ni Mario na ang mga masasamang ispiritu ay nasa tabi lamang niya. Hindi siya nagagalaw dahil ang concentration ng mga ito ay nasa pagpapayelo ng switch box.

“Paano ko ba sila patitigilin sa pagpapayelo ng fuse box na ito?”

Napatingin siya sa pinto ng kinaroroonan ng fuse box. Napatingin din siya sa mga bintana na sarado. Hindi pa sapat ang liwanag ng araw dahil bahagya lang kasing nakabukas ang pinto at sarado ang mga bintana.

Nakaramdam ng pangangapos ng hininga si Mario, alam niyang sa kanya na itinutuon ng mga masasamang espiritu ang enerhiya ng mga ito. Baka nga ilan sa kanila ay sinasakal na siya. Bigla niyang nilapitan ang pinto at isinagad ang pagbukas nito. Lalong lumiwanag at uminit ang loob.

Tinakbo rin niya ang dalawang bintana at madaliang binuksan ang mga ito. Lalo nang lumiwanag sa loob. At ang init ng araw ay tumindi.

Napatingin siya sa switch box, natuwa siya dahil kitang-kita niyang natutunaw na ang makapal na yelo.

“Salamat, Panginoon! Meron pala talagang tulong na dumadating mula sa inyo at kalikasan! Ang liwanag at init ng araw ang ginawa ninyong dahilan para matunaw ang masamang sandata ng mga maiitim na ispiritu!”

SA SALAS, natutuwa na sina Anna at mga anak. Dahil nawala na ang pagkurap-kurap ng mga ilaw.

“Ang galing ng tatay ninyo, mga anak! Panalo na naman siya laban sa kasamaan!” Naiiyak sa pagpapasalamat si Anna.

“Matapang at matalino yata ang tatay! Kaya nga nakakainis na minamaliit siya nina Mang Temyong! Hindi naman ho sa maramot ako, Inay … pero napapansin ko po na kulang na lang angkinin na nila itong bahay at bakuran na sa inyo naman ni Itay ipinamana.”

“Basta maging matino pa rin tayong tao, hindi natin bibitiwan itong ibinigay sa atin pero huwag tayong maging maramot. Unawain natin hanggang sa makakaya natin ang pamilyang nakikitira dito.”

Tumahimik na lang si Gela.

SA SILID naman ng pamilya ni Temyong, walang nasabing maganda ang mga ito kahit hindi na kumukurap-kurap ang mga ilaw.

“Natsambahan lang ‘to ni Mario! Pero kailangan talaga, makaisip tayo ng mas epektibong paraan para sila ang umalis dito! Big time na pananakot ang gawin natin!”  Itutuloy

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with