^

Para Malibang

Gustong sukatin ang pagkababae

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po si Marie, 19, isang katulong. May boyfriend po ako. Family driver sa isang subdivision. Gusto po niya mag-motel kami kaso takot akong mabuntis. Tuwing Linggo ang day-off ko at lagi niya akong tinutukso na duwag daw ako. Promise pa niya na hindi niya ako mabubuntis. Gusto lang daw niya akong sukatin. At kapag nabuntis daw po ako ay pananagutan niya. May pangarap po akong mag-Hongkong at dun magtrabaho kahit maid. Pero hindi niya ako naiintindihan. Kapag nag-abroad daw ako ay break na kami. Mahal ko po siya, pero mas matimbang ang aking pangarap. Tama po ba ako?

Dear Marie.

Tama ang desisyon mo na huwag pumatol sa kanyang panunukso sa iyo. Hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal mo. Dahil gusto lang ­niyang sukatin ang iyong pagkababae. Tama rin na mangarap ka munang mag-abroad kung ito ang gusto mo. Hindi dapat pinanghihinayangan ang ganyang klase ng tao na hindi marunong rumespeto sa babae at ‘di nagpapahalaga sa iyong pangarap. Bata ka pa at maghintay ng tamang lalaki para sa iyo.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with