^

Para Malibang

OFW na tinatakwil ng pamilya

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Kapag hindi ba naman nakakabaliw ang sitwasyon ko ewan ko na lang. Banas na bawas na ako dahil pitong buwan na kaming walang suweldo rito sa Saudi. Tapos inaaway pa ako ng asawa ko, mga anak ko, biyenan, at mga hipag ko. Wala raw akong kuwentang asawa dahil payat na ang kapatid at anak nila. Ang pinakamasakit ay inuudyukan nila ang asawa ko na hiwalayan na ako. Dadalhin nila sa Amerika si misis at dun sila magpa-file ng divorce. Wala akong magawa. Pinipilit nila akong sumuka ng pera. Inaaway ko na ang amo kong Arabo pero wala rin siyang pera dahil bankrupt na ang kompan­ya niyang Al Sodair. Ang pamilya ko na lang ang pinaghuhugutan ko ng lakas, pero ito tinatakwil na nila ako. Hindi naman kami maabot ng tulong ng embassy dahil nasa sa Riyad Al hammam ang lugar namin. Ano ba gagawin ko? – Erwin

Dear Erwin,

Huwag ka sanang mawawalan ng pag-asa. Kausapin mo ang asawa at mga anak mo  at ipaliwanag sa kanila ang totoong sitwasyon.  Makiusap ka rin sa mga biyenan mo na hindi mo kontrol ang sitwasyon. Hindi mo rin ginusto ang problema ninyong magpamilya dahil malayo ka sa kanila at nagkataong may aberya rin sa trabaho mo. Huwag kang sumuko na kausapin ang amo mo at ipalaam sa inyong embassy ang masaklap na kalagayan ninyo. Nawa’y sa madaling panahon ay makauwi ka na ng ‘Pinas at makasama muli ang iyong pamilya.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with