^

Para Malibang

Babae patay sa pipino habang nakikipagtalik

- Pang-masa

Grabe na ‘to! Napatay ni Oliver Dietman, isang German salesman ang kanyang lover na si Rica Varna dahil sa isang pipino.

Noong July 19, 2014 ay gumamit si Oliver ng isang pipino bilang sex toy para paligayahin si Rica. Matapos umano nitong gamitin sa maselang bahagi ng kanyang partner ay isinubo niya ang pipino sa bibig ni Rica. Ngunit bigla ay may nakita siyang usok na nagmumula sa kanyang kusina. Naiwan daw kasi nito na bukas ang kalan habang nakasalang ang piraso ng karne na para sa kanyang aso.

Nang bumalik si Oliver sa kanilang kuwarto ay nakita niyang wala nang malay si Rica. Ayon sa mga medical experts, sapilitang ipinasok ang pipino sa kanyang lalamunan at nawalan siya ng air supply na nagresulta sa kanyang pagka-coma. (Walang makapagsabi kung bakit hindi tinanggal ni Rica ang pipino sa kanyang bibig, puwera na lamang kung nakatali ang mga kamay at paa nito).

Nahatulan ng negligent homicide si Oliver pero hindi ito nakulong. Nabigyan lamang siya ng 20-month suspended sentence at pinagbayad ng €6,000 (£4,718).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with