^

Para Malibang

Kabataang babae sa Cambodia malayang nakiki­pagtalik sa sariling love nest

KULTURA - Pang-masa

‘Pag ang isang babae sa tribo ng Kreung sa Cambodia ay tumuntong na sa tamang edad, tradisyon na para sa kanilang mga magulang ang gawan ito ng maliit na tirahan malayo sa kanilang bahay. Tinatawag itong “love huts” ng tribo at may kakaibang silbi – ito’y para makipag-sex ang babae sa kahit kaninong lalaki na magustuhan nila nang hindi sila naririnig ng kanyang mga magulang. 

Ang mga babae sa kultura ng Kreung ay ineengganyong makipagtalik sa mas maraming lalaki habang bata pa sila para mahanap ang kanilang gustong mapangasawa. Kumbaga ito ang kanilang pakikipag-date sa mga kalalakihan pero hinaha­yaan lang sila at walang panghuhusga sa mga tao na may kinalaman sa premarital sex. Kung interesado ang isang babae sa lalaki ay iimbitahan niya ito sa kanyang private clubhouse kung saan maaari silang mag-sex o depende sa mga kaganapan. 

Ano man ang ma­ging resulta ay kaila­ngang umalis ng lalaki sa bahay ng babae bago mag-umaga dahil hindi maaaring makita sa labas ang isang lalaki at isang babae na magkasama kung hindi pa sila mag-asawa. 

Epektibo umano ang ganitong proseso ng pagpili ng mapapangasawa dahil wala halos naitatalang paghihiwalay o divorce sa tribo ng Kreung sa Cambodia.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with