^

Para Malibang

House of Death (11 )

HOUSE OF DEATH - Pang-masa

SA TULONG ng mga kandila inisa-isa ng pamil­ya ang mga silid ng mansiyon. Maghahanap sila ng kanilang matutulugan. Lahat na mga silid ay sarado maliban sa isa. Kaya dito sila pumasok. Natigilan silang lahat.

“Ang ganda naman ng silid na ito. Halatang silid ng isang babae kasi, o ... tingnan po ninyo ang ma­laking tokador, Inay ... Itay ... puno ng mga gamit na pambabae.” Sabi ng dalagang panganay.

“Huwag kayong gagalaw. Bahay at lote lang ang ibinigay sa atin, hindi ang mga gamit na ‘yan. Ituring natin na pag-aari pa rin ‘yan ng natutulog sa silid na ito noon.”

“Ano lang po gagawin natin sa mga gamit niya, Inay? Titingnan lang po natin? Bawal man lang hawakan?” Inosenteng tanong ng bunsong babae.

“Hindi naman siguro bawal na punasan para alisan ng alikabok. Hindi bawal na ingatan. Bilang pasasalamat na rin na ang buong bahay at lote na ito ay ibinigay sa atin.” Sagot ni Anna.

“Alam n’yo, mga anak. Napakaganda ng sinabi ng inyong ina. Tama. Maninirahan man tayo dito, iisipin pa rin natin na ito ay iniregalo sa atin para pakaingatan. Irerespeto. Kaya wala tayong gagalawin sa mga gamit kundi iingatan lang, lilinisan.” Nakangiti na ring nagsalita si Mario.

Bigla silang nakaa­moy ng napakabangong sariwang bulaklak na hindi nila matukoy kung ano. Unang-una naman kasi, iilang bulaklak lang ang kilala nila. Ang napakabangong halimuyak ay pumuno sa buong silid.

“Parang may nagsasabi sa atin na masaya siya o sila sa lahat nating iniisip na may kinalaman sa bahay at lote na ito.” Natuwa si Anna.

Napatingin sila sa pinto nang kusa itong sumara. Maingat, hindi pabagsak na pagsara.

Hindi nila iyon kinatakutan. Para pa ngang nagkaroon sila ng sense of security nang sumara ang pinto.

“Ang aso at pusa kaya?” Lumapit agad sa pinto si Mario at binuksan iyon, ang nakita niya ay ang dalawang hayop na parehong nakaupo sa magkabilang gilid, tila nagbabantay sa kanila.

Ini-lock ni Mario ang pinto. “Matulog na tayo. Napakalaki naman nitong kama, puwede na tayong lima dito. Pahalang para tayo magkasya. Ako dito sa bungad, kasunod ang nanay ninyo, kayong tatlo ay diyan sa nahaharangan namin  para mas ligtas kayo.”   ITUTULOY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with