^

Para Malibang

Nanay sumama sa iba

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ten years old pa lang ako ay iniwan na kami ng nanay ko na sumama sa ibang lalaki. Habang nasa Saudi ang tatay namin. Lumaki kaming tatlong magkakapatid sa lola ko. Dahil nag-asawa na rin ng iba ang tatay ko. Hanggang umalis na ang kuya ko sa poder namin at lumayo sa amin. Ngayon ay nagtatrabaho na ako pero naiwan pa sa akin ang bunso naming nasa high school ngayon. Biglang tumawag ang nanay ko at gusto raw niya ka­ming makita ng mga kapatid ko. Ang problema ko parehong ayaw ng dalawang kapatid kong lalaki na makita si nanay. Nagagalit ang mga kapatid ko dahil bakit daw ako naaawa sa kanya samantalang iniwan kami. Hindi naman ako naaawa pero hoping ako na magkikita kaming mag-iina kahit paano. Ano ba gagawin ko? - Mae

Dear Mae,

Hindi mo masisisi ang mga kapatid mo na magalit sa iyo dahil hindi pa nila mapatawad ang pang-iiwan sa inyo ng iyong nanay. Ipaliwanag mo sa nanay mo ang sitwasyon na tiyak na maiintindihan niya. Makuntento ka munang ikaw ang kausap ng nanay mo hanggang dumating ang araw na lumambot ang puso ng mga kapatid mo. Dahil hindi rin mapipilit ang dalawang utol mo na makita at makausap ang nanay n’yo. Pero magandang sen­yales na inaabot kayong muli ng nanay mo kahit ilang taon niya kayong iniwan.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with