^

Para Malibang

Nagdidilim na ang paningin

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Apat na taon ako sa Saudi, hindi ko makauwi dahil stranded din ako. Ang masakit ay ayaw maniwala ng mga anak ko na hindi kami pinasusuweldo rito. Pati asawa ko galit na rin sa akin. Limang buwan na nila ako hindi kinakausap. Homesick na ako rito. Hindi ko alam kung kelan ako makakauwi. Nakikikain lang ako sa mga kasama ko rito. Nagdidilim na ang paningin ko at baka ano na ang magawa ko rito. Tulungan n’yo po ako. - Omer

Dear Omer,

Huwag ka padadala sa iyong galit. Mahirap ang malayo sa pamilya. Pero isipin mo sila at manalangin ka na magawan ng paraan ng iyong amo na mabayaran at pauwiin ka. Subukan mong mag-report sa embassy para malaman ang inyong kalagayan. Baka sakaling maabot kayo ng tulong na ginagawa ngayon ng gobyerno.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with