^

Para Malibang

Bisyo ang pinagbalingan

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po si Alex. Mayroon akong gf at nagsama kami sa loob ng 5 years. Nagtanan kami dahil ayaw sa akin ng mga magulang niya dahil mahirap lang kami. Ang akala ko tuluy-tuloy na ang maligayang pagsasama namin ngunit natunton nila kami at sapilitang isinama ang mahal ko. Wala akong nagawa dahil may kasama silang mga pulis. Lumipas ang ilang taon, nabalitaan ko na lang na nagpakasal na sa iba ang gf ko. Dito nagsimula ang pagiging magulo ng buhay ko. Nakalimutan ko ang hina­hanap kong pansamantalang paglimot sa kasawian sa isang kaibigan. Pero ang kaibigan kong ito ang nagturo sa akin ng paggamit ng droga. Ang bisyong ito ang nagtulak sa akin para makagawa ng krimen. Heto ngayon ako nagdurusa at nagsisisi. May kinabukasan pa kayang naghihintay sa akin? Salamat po sa inyong payo.

Dear Alex,

Nakalulungkot na naging maikli lang ang kaligayahang pinagsama ninyo. Sayang na naging mahina ka sa pagharap sa problema at ang napagbalingan mo ay isang kaibigan na siyang nagturo sa iyo ng masamang bisyo. Pero kailangang kalimutan mo na ang mapait na bahagi ng iyong buhay. May kinabukasan ka pa ‘wag ka lang mawalan ng pag-asa. Lalo may rehab nang inaalok ang gobyerno ngayon at pagkatapos ay may training na trabahong mapapasukan. Manalangin ka sa Dios na gabayan ka Niya at matutuhan mo ang landas sa pagbabago. 

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with