^

Para Malibang

Katsugian ang Bestfriend ng Nobyo

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin n’yo na lang po akong Pechie. May bf po ako. Pero may nangyari po sa amin ng bestfriend niya. Hindi po alam ng bf ko, nagkataon lang yun kasi wala ang nobyo ko at natukso kaming dalawa ng bestfriend niya. Ang problema nami-miss ko ang bestfriend niya. After po noon hindi na uli nagparamdam o nagti-text man lang sa akin ang bestfriend niya. Hindi na rin siya sumasama sa lakad namin ng BF ko. Tinikman lang po ba niya ako? Salamat po sa advice.

Dear Pechie,

Huwag mo ng hintayin ang text ng bestfriend ng nobyo mo. Anuman ang dahilan ng pag-iwas niya sa ‘yo ay hindi na mahalaga. Maging aral sa ‘yo na kahit bestfriend pa ng nobyo mo ang isang lalaki ay hindi tama na ibigay ang sarili. Bata ka pa at may magandang kinabukasan na maaaring masira kung puro pag-ibig ang pagtutuunan mo ng pansin. Mabuting pag-aaral ang iyong atupagin. Dapat maging tapat ka sa nobyo mo dahil tiyak pagmumulan ng away at pagkasira ng kanilang pagkakaibigan kapag nalaman yan ng nobyo mo.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with