^

Para Malibang

Aswang Territory (144)

ASWANG TERRITORY - Pang-masa

NAKIKIPAGBAKBAKAN si Draz sa mga masasamang lahi. Anim na ang kumukuyog sa kanya.

Hindi pa siya makabalik sa loob ng home van para kunin ang kanyang baril kaya hand and foot combat ang ginagamit niya.

Magaling si Draz, halatang sanay at world class. Tumba ang masamang lahing aswang na nakatanggap ng kanyang flying kick.

Nahilo naman ang nasuntok niya sa mukha.

Pero hindi sapat ang tapang at galing ni Draz nang may dalawa pang masasamang lahing dumating kaya walong mga masasamang aswang na ang kalaban niya.

Nahawakan siya ng dalawa, may dalawa pang sumugod. Apat na ang pumipigil sa kanya, palapit na ang dalawa pa para sagpangin na siya.

At isa pang masamang lahi ang anyo at lumapit … akala ni Draz katapusan na niya talaga. Hindi na niya kaya ang dami nang kalaban.

Lalo na’t may bago pang dating.

Resigned na si Draz na ito na ang katapusan niya, wala na siyang pag-asa. Pero laking gulat niya nang ang bagong dating sa halip na sagpangin siya ay ang mga masasamang lahing pumipigil sa kanya ang inupakan.

Malakas ito, kinaya ang mga kalaban. Nang makakawala si Draz, dalawa na silang nagtutulungan para talunin ang mga mababangis na aswang.

Tumakbo ang mga kalaban.

Hinarap ni Draz ang tumulong sa kanya, takang-taka siya. Nakikiramdam din siya dahil baka magbago ang isip ng kumampi sa kanya, siya naman ang sasaktan.

Pero nakatingin lang ito sa kanya saka tumalikod at umalis.

“Hey! Tulad ka rin nila pero bakit mo ako tinulungan? Sino ka ba”

Pero hindi na lumingon ang tinanong.

Hindi na rin humabol si Draz. “Sige, thank you na lang. Kung sino ka man.”

Agad nang pumasok si Draz sa kanyang home van, kinuha ang baril at isinukbit sa baywang ng pantalon. Wala na siyang balak na iwan ang baril sa magdamag.

Kailangang handa siya. Teritoryo nga ang lugar na ito ng mga aswang. Naririto ang mga hinahanap niya. Pero naniniwala siyang hindi lamang iilan ang mga aswang dito. Marami.

ANG masamang lahing aswang na tumulong kay Daz ay nagta-transfom kahit hindi pa umaga. Nagiging si Armani. -  ITUTULOY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with