‘Di Patas na Pagtingin
Dear Vanezza,
Ako si Micah, 16 years old. May kapatid akong kambal na lalaki. Ewan ko ba, lagi na lang akong nagseselos sa kanya. Sa tingin ko mas paborito siya ni mama. Dahil laging mas una siyang binibilhan ng mga gamit o binibigyan ng pera. Mas close rin sila ni mama. Samantalang ako lagi na lang mali ang nakikita ng mama ko sa mga ginagawa ko. Tama po ba ang iniisip ko?
Dear Micah,
Kausapin mo ang mama mo at sabihin sa kanya ang nararamdaman mo. Baka may ibang dahilan ang magulang mo, kaysa sa iniisip mo. Subukan mo rin kausapin ang kakambal mo, para makatulong din siyang mapagaan ang problema mo sa inyong nanay at kapatid. Para matuto ring maging patas ang pagtingin ng mama mo sa inyong magkapatid.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest