^

Para Malibang

Ambisyosang partner

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin n’yo na lang akong Jimmy, 40 years old. Nagkanobya ako pero mayaman at 10 taon ang tanda ko sa kanya. Isa lamang akong karaniwang empleyado sa isang government office. Mag-isang taon na kaming nagsama at may isa kaming anak. Gusto ko na siyang pakasalan pero ambisyosa siya. Hindi ko mabigay ang mga luho niya dahil maliit lang ang sahod ko. May kaya ang pamilya nila at tutol sila sa akin. Kaya nang udyukan siya ng tatay niya na hiwalayan ako, agad siyang sumunod. Ang gusto ko lang ngayon ay makuha ang aking anak. Ano ang dapat kong gawin?

Dear Jimmy,

Legal issue yan kaya kumonsulta ka sa abogado. Pero kung mahal mo ang iyong anak, magsakripis­yo ka. Isipin mo na ang anak mo’y nabubuhay nang mariwasa dahil mayaman ang magulang ng iyong partner. Siguro ang maipaglalaban mo lang ay visitation rights para hindi naman lumayo ang damdamin sa iyo ng iyong anak. Karapatan mo ring makilala niya bilang kanyang ama. Posibleng ipaglaban iyan sa korte. Kung hindi mo kayang bumayad ng abogado, kumonsulta ka sa Public Attorney’s Office (PAO).

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with