^

Para Malibang

Playgirl ang image

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po si Mae, 19 years old. Sumulat po ako dahil hindi ko maintindihan ang aking sarili. Lagi po akong may crush. Pero bigla pong nawawala ang feelings ko para sa kanya. Tapos agad kong bini-break. Ewan ko po kung bakit tinatabangan agad ako kapag dyowa ko na ang crush ko. Dahil dito, nagkaroon ako ng pangit na reputasyon sa aking school bilang playgirl. Hindi po ito totoo. Hindi ko naman gustong paglaruan ang mga lalaki. Bakit kaya ako ganito? Maalis pa ba ang ganitong atittude ko sa mga lalaki?

Dear Mae,

Tandaan mo na ang crush ay hindi pag-ibig. Ito’y isang paghanga lang na maaaring magbago. Pero para hindi ka na makasakit pa ng damdamin ng iba, makabubuti kung itigil mo na lang ang ganitong gawain. Naniniwala ako na sa tamang panahon ay darating din sa iyong buhay ang la­laking tunay mong mamahalin. Bata ka pa at mas mainam kung itutuon ang atensiyon sa pag-aaral at mga makabuluhang bagay na magpapalago ng iyong kaalaman.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with