^

Para Malibang

Ayaw ng bf sa kanyang ina

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako si Kae, 28 years old & still single. May bf ako at 3 years na po kaming mag-on. Niyayaya na niya akong pakasal pero ang problema ay ang aking ina na matanda na at may sakit. Ako lang ang tagapag-alaga niya at wala siyang ibang maaasahan kapag nawala ako. Sabi ko sa bf ko, papayag lang ako kung kukunin namin sa aming poder ang nanay ko. Pero tumutol siya. Sabi niya ipaalaga na lang daw namin sa mga kamag-anak namin o kaya ipasok sa ampunan ng mga matatanda. Nasaktan po ako sa sinabi niya. Mahal ko po ang bf ko kaya naguguluhan ako ngayon. Ano ang dapat kong gawin?

Dear Kae,

Alalahanin mo na ang iyong ina ang nagbigay buhay sa iyo. Siya ang ginamit na daluyan ng Diyos para ikaw ay maging tao. Sa ganyang mga pangyayari na inaayawan ng bf mo ang iyong ina, hindi ka na dapat magdalawang-isip. Kalasan mo na siya dahil wala siyang kuwentang lalaki. Kung mahal ka niya gaya ng pagmamahal mo sa kanya, hindi niya imumungkahi na ipaalaga sa iba ang iyong ina. Kung ibalik mo kaya sa kanya ang sinabi niya? Hindi kaya siya masaktan din? Maraming lalaki riyan na mas karapat-dapat sa iyong pagmamahal at marunong magpahalaga sa mga ina. Ipagpasalamat mo na nakilala mo ang tunay niyang pagkatao na hindi pa kayo kasal.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with