^

Para Malibang

Para sa malusog na digestive system

Pang-masa

Limitahan ang pagkain ng matataba. Ang matatabang pagkain ay nakababagal sa digestive process, kaya kung maaari ay limitahan ang pagkonsumo nito kung hindi maiiwasan.

Piliin ang karneng bibilhin. Kumain lang ng lean meat tulad ng pork loin at skinless poulty.

Uminom ng maraming tubig. Huwag pababa­yaang matuyot ang lalamunan. Ang pag-inom ng maraming tubig ay nakatutulong sa digestive system na mas mabilis makatunaw ng taba at soluble fiber.

Iwasan ang bisyo. Ang alak, paninigarilyo, at sobrang pag-inom ng kape ay nakapagpapabagal ng proseso ng pag-digest ng pagkain. Maaari rin itong magdulot ng stomach ulcer at heartburn.

Isama ang probiotics sa kinakain. Ang probio­tics ay mga healty na bacteria na makikita sa ating digestive tract. Low-fat yogurt ang halimbawa ng pagkaing mayaman sa probiotics.

Kumain ng mga pagkaing high-fiber. Ang pagkonsumo ng pagkaing mataas sa fiber tulad ng whole grains, gulay, beans, at prutas ay nakakabuti sa ating digestive system. Nakatutulong ang mga ito para mas mabilis na ma-flush ang pagkain sa ating mga bituka.

Kumain sa tamang oras. Ang pagkain sa tamang oras at parehong oras araw-araw ay makatutulong sa digestive system natin na mag-function ng tama. Ugaliing kumain ng agahan, pananghalian, merienda, at hapunan sa parehong oras araw-araw.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with